Philippine election Experiences

You may post your experiences here during the recent May 10, 2010 Philippine Election. Perhaps, we may be able to help COMELEC identify solutions for those actual scenarios which the government may have failed to see during the time of their conceptualization of our "automated election".
"ogie"
Maganda po sana ang ating election ngayon kung napaghandaan talaga ang mga dapat na palagi na lang nirereklamo nang tao kapag dumadating ang eleksiyon. Alam naman po nang comelec na palagi na lang may mga hindi nakakaboto dahil sa hindi makita ang kanilang mga pangalan. Isa pa po iyon ngang napakarami sa iisang PCOS machine, hindi ba nila pinagana ang common sense nila na lahat ng tao halos ay ibig bumoto kaya siguradong daig pa ang nag MEGA SALE ang epekto nito. Sana po this realistic things ay binigyan pansin na po agad. Thank you.
"Democratic"
Kahit ano po ang sistema ng gagamiting paraan ng eleksiyon (Manual counting man o Electronic/automated) kapag hinaluan lagi nang pandaraya ay taong bayan ang laging nalulugi. Ang boses ng mga makapangyarihang botante ay niwawalan nila nang galang at pagpapahalaga. Kailan kaya natin maipag-mamalaki ang ating halalan...(kahit eto man ay dinaan sa manual counting or hi-tech method) na ang tunay na boses ng mga mamamayan ay mapa-pakinggan.